Christine Boles for

Pacifica City Council District 2

 

Pag-aalaga sa mamamayan at kapaligiran ng Pacifica!

Ako’y isang ina, isang asawa, arkitekto, artist, tagapag-alaga ng mga bubuyog at hardinera. Nagmamay-ari din ako nang maliit na negosyo, at regular na nag buboluntaryo sa aking kumonidad. Sa ngayon, isa akong boluntaryo sa Pacifica kasama ang C.P.U.P, ang Coalition of Pacificans for an Updated Plan and Responsible Planning, isang organisasyong hindi kumikita na tinulungan kong i-buo noong 2020. Ang aking atensyon ay nakatutok sa mga bagong pag-unlad at naayon sa batas. At nagpapanatili sa ating kapaligiran at nilalayo ang mga tao sa Pacifica sa kapahamakan habang gumagawa ng mas abot kayang pabahay.

Dama ko ang responsibilidad na gamitin ang aking oras at mga biyaya para sa ika bubuti ng nakararami; Para maiwan ko man lang ang mundo na mas maayos kesa nung nadatnan ko ito. Noong wala pa ako sa politika, madalas akong sumasali sa mga meting ng Pacifica City Council and Planning Commission sa mga nakaraang taon. Naintindihan ko ang mga kinakailangan sa posisyon at pinapangako ko na gagawin ang aking trabaho sa abot ng aking makakaya. Ang aking pangunahing papel ay pakinggan kayo para pangatawanan kayo sa ating pamahalaan at magtulong -tulong tayo na maibigay ang pinaka mahusay na ideya para mapabuti ang ating pinaka- mamahal na bayan.

Ako ay regular na tagapag suporta nang maraming kahanga-hangang grupo na nagtatrabaho upang paunlarin ang Pacifica kasama ang Pacific Beach Coalition Pacifica Resource Center, Pacifican’s Environmental Family, the Pacifica Education Foundation, the Pacifica Historical Society, ang Sanchez Art Center at ang Pacifica Murals Project.